|
Nung bata pa ako, meron ako laruan, action figure siya na may malupit na armor. Angas nga kasi ang daming articulation points kaya madami poses. Yung armor nya, ganda din. Since di ako maingat sa laruan, wala na sa akin yun. Pinasabog ko ata via kwitis nung New Year. A year ago ko lang nalaman na Saint Seiya pala yun. Kaso, di gaano nagkaron ng impact sa akin yung fact na yun kaya nung pinalabas ito sa GMa, hindi ko din ito nasubaybayan. Actually, nakapanood ako ng isang episode, di pa buo, hinihintay ko lang kasi na matapos dahil susunod na si Ippo ata or Dragonball Z. Di ko na matandaan
Siguro isang factor na din kung bakit di ko ito nasubaybayan ay dahil parusa ang aking sched sa college at dahil sa stress na dulot ng college, medyo nawala interest ko sa anime nun. "Banda dito banda doon" kasi ang aking stress buster noon. Eh mga kabanda ko sa CEU di naman mahilig sa anime or jrock/jpop songs. Pwera na lang siguro yung "chala-head-chala" na tinugtog namin ng live nung AMT kita-kitz '07. Actually di pa nila alam na yun title nun, ang alam nila "Dragonball". Kung di ko pa nkilala sila Antenor at ang iba ko pang malilibog na kaibigan na mahilig sa videogames, hentai, at anime, nawala na siguro ng tuluyan ang anime sa aking mundo. Anyway, balik sa Saint Seiya. Nung nagkaron ako ng album ng Animetal na "Decade of Bravehearts", isa sa mga kanta dun ay yung "Pegasus Fantasy". Brutal talaga! Ang ganda! Ni-research ko at nalaman ko na galing pala ito sa Saint Seiya. Siyempre, imbes na yung anime ang maalala ko, yung laruan ko ang naalala ko. Pero siyempre naalala ko din yung anime. For a few days lagi ko ito pinapatugtog hanggang sa medyo natabunan na ito sa playlist. Kagabi, naghahagilap ako ng anime songs at nakita ko ito uli. Since gasgas na yung version na ito sa mp3 player ko, minarapat ko na kunin yung orig version. Nung ma-DL ko na, lupit! Ang ganda pala nung orig! Bwakangina, kung nadinig ko ito siguro, baka sinubaybayan ko yun noon!(madali ako ma-attract sa anime na maganda themesong) Habang pinakikinggan ko, naramdaman ko na uli yung naramdaman ko nung una ko mapanood yung DNA2 at madinig ang "Blurry Eyes", yung feeling na "Shet! Dapat mapanood ko to, or atleast ma-research ko yung storya sa internet! At kelangan matugtog ko din itong themesong niya!!!" So, after ko ma-DL ito, paulit-ulit na ito sa mp3 player ko. Kahit nung ako ay naglaglag ng bomba sa inodoro ay ito ang pinakikinggan ko. Kaninang umaga, pinakikinggan ko ang ibat-ibang kanta sa mp3 player ko, pero nung matapat na ako sa "Pegasus Fantasy", wala na, naka-set na sa "repeat" yung mp3 player ko at gumala na ang imahinasyon ko na tinutugtog namin ito sa banda, syempre, yung USTHS band ko na. At sa eksenang iyon, hindi ako ang kumakanta, hindi pwede, kelangan tumalon ako, magh-hedbang, at kung ano pang maisip na exhibition habang tinutugtog ito. Mamaya ako ay uuwi sa aking bahay, hahaplusin ang aking thunderbird bass at pag-aaralan ang kanta na ito. Kung di lang maliit ang kwarto ko at kung hindi lang gawa sa kahoy ang bahay namin at kung di lang reklamador ang kapitbahay namin, alam nyo na ang pede ko gawin... Kung pwede lang... |
| Leave a Comment: |