Ako si brian *bow*:
 "Pag hindi makatulog, magbilang ng talon ng tupa. 1, 2, 3, 4... zzzz.."
 "pustahan, lalo kayo magbabasa dito dhil sa babala na yan dba? hehe"
MUST-READ POSTS:
As usual:
"wag na sana lamunin ng spam"
|
|
|
 |
|
Friday, October 05, 2007
(Part 2) naaalala ko pa... Ikaw?
Kababata ka ba ni Brian? Kung "oo" ang sagot mo, Dapat alam mo ang mga ito:
*nangolekta ka kung "enchanted fairy tales" booklet na free pag bumili ka ng nido..
*di mo naman ito alam basahin, tinitignan mo lang ang pictures..
*nagalit nanay mo dahil nahuli ka nya na tinatapon sa lababo ang gatas para maubos na at makabili na uli kayo ng nido na may free "enchanted fairy tales" booklet
*ganun din ginagawa mo sa milo at ovaltine dahil kadalasan ay may kasama itong laruan.
*gusto mo kumain ng purefoods hotdog dahil may libre itong "caboodles".
*ayaw mo pag free na caboodle ay yung crocodile dahil mahirap ito i-assemble
*mahilig ka mag toothbrush dahil may libreng laruang robot na nagta-transform (letter form at robot form) ang colgate noon
*gumamit ka din ng happee fruity toothpaste
*namamaga na gums mo dahil toothbrush ka ng toothbrush, lasang candy kasi yun
*alam mo yung jingle ng family toothpaste
*amused ka sa kinatam na mukha (chin to be specific) ni batman
*akala mo bading si robin...
*synonymous para sa iyo ang "BANG!", "BOOM!", "KA-BLAM!", "WHA-PAK!", etc. kay batman
*ang tawag mo sa ice cream ay kuliling.
*amused ka sa lactobacilus shirota strength!!!!!!!!!!!!!!!!
*lagi mo kinakanta ang nosi balasi kahit di mo alam ang meaning...
*pati mga themesong ng bioman at shaider knakanta mo kahit di ka marunong mag japanese
*naubutan mo pa ang love bus
*may nguso pa ang g-liner noon
*akala mo pilipino ang cast ng maskman dahil sila ay nagtatagalog.
*pag sinabi ng nanay mo na kumain ka ng gulay, kakain ka ng snacku..
*u wish na sana may jacket ka ng tulad nung kay masked rider black.
*nagkaron ka ng crush na member ng isang sentai group
*kinabisado mo ang panatang makabayan
*ang tawag mo sa lupang hinirang ay bayang magiliw
*di ka naging successful sa pag huli kay santa claus at rudolph...
*but u still claim na nahuli mo sila...
*syempre pag pasko, may christmas play
*pag babae ka, 50% chance na gumanap ka na Mary sa play na un
*kung lalaki, 50% chance na gumanap ka na si Joseph...
*nagiiwan ka ng isang bond paper na tinadtad ng mga pangalan ng mga laruan sa pulang medyas...
*syempre gusto mo na laruan eh yung battery operated
*imbes na AA, C, D, ang tawag mo sa batirya ay small, medium, large.
*pag birthday, lagi ka pinaiihip ng magic candles..
*75% chance, math ang pinaka-ayaw mo na subject
*may collection ka ng crayola
*meron ka din nung box ng crayola na may built-in pantasa..
*meron ka nung pantasa na mala swiss knife (ibat-iba ang size nung butas)
*ginawa mo frisbee mga plaka ng magulang mo
*ang mami mo ay laging maggi or nissins ramen
*sikat pa ang swift noon
*galit ka sa tatay mo dahil lagi siya nanonood ng PBA
*channel 4 pa ang PBA noon...
*at pinakamalabo ang channel 4 noon...
*sikat ang channel 13 dahil sa sentai at tokatsu
*si anjo at smokey pa ang host ng takeshis castle
*hate mo ang mag shorts kasi uso noon ang maong
*mahilig ka sa sapatos na pang basketbol kahit hindi ka naglalaro
*may aso ka na "doorbell name" ang pangalan ex. jing-jing, dong-dong, bong-bong, dang-dang
*posible din na "doorbell name" ang nickname mo
*mahilig ka sa plastic balloon
*pag recess, zest-o, hi-cee, yakult, or magnolia chocolait, baon mo.
*sikat ka pag may remote controlled ka na laruan
*ang controller noon ay may wire pa
*di mo pa alam ang pinagkaiba ng remote controlled sa radio controlled
*may cassette tape ka ng batibot
*natakot ka nung una mo marinig ang lupang hinirang
*asar ka sa white noise ng tv dahil uso pa noon ang nwawalan ng istasyon
*pati na din dun sa parang mga rainbow stripes
*uso pa ang brown out pag hapon na
*dream come true mo ang maging guest sa batibot
*may fanta softdrinks pa noon
*nagdedeposit ka ng barya para sa bote dahil wala pa in-can or plastic
*pag sinabi na softdrinks sa plastic, sa supot yun...
*wala pang dressing ang burger ng jollibee
*idol ng kuya mo ang the dawn
*nahilig ka sa banda dahil sa eraserheads at rivermaya
*pati na din sa the youth at siakol
*alam mo na ang orig na pera o bayong host ay si pepe pimentel
*inabot mo yung tv show na manok ni san pedro starring lito pimentel
*mahilig yaya mo sa that's entertainment
*fave din ng yaya mo si lotlot at monching
*akala mo bata tlaga si mahal
*unang rap song na kinabisado mo ay yung "mga kababayan" ni francis m
*Php. 99.99 ang presyo ng isang batman action figure
*alam mo yung bum tiyaya bum tiyaya bum yeye
*ang tatak ng radyo mo ay sany
*may betamax ka
*ang matulog ng past 9 ay considered na pagpupuyat
*crush mo yung princess sa voltron
*ang kissing scene ay BOLD na para sa iyo noon
*hindi pa bading si L.A. Lopez nun
*pantasya ng bayan si yellow 4 at pink 5
*at syempre si annie at ang mahiwaga niyang panty
*mahilig ka sa chocolate na cloud nine, big bang, at m&ms
*pag walang pera, pede na sergs
*or nips...
*kung lalaki ka, araw-araw ka inaasar ng mga kuya mo or pinsan mo na mas matanda sau ng "WAH!!!! SUUUPPPOOTT!!!!! WAHAHAHAHA!!!!!!"
more to come... Link to Part 1
|
|
|