Kababata ka ba ni Brian? Kung "oo" ang sagot mo, Dapat alam mo ang mga ito:
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa straw
*makikigera sa kalsada gamit ang iyong mongo-loaded na sumpit.
*pinipilit ka ba matulog ng yaya mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog
*marunong ka magpatintero, agawan base, langit-lupa, tantsing, luksong tinik
*malupit ka pag meron kang atari, family computer, at yung mga bala na 100 in 1.
*alam mo ang ibig sabihin ng up, up, down, down, left, right, left, right, b, a, b, a, select start..
*akala mo si tito, vic, and joey ang kumanta ng maskman themesong
*akala mo din si richard gomez at joey marquez ang kumanta ng palibhasa lalake themesong
*underwear mo noon ay may print ng transformers (kung lalaki) or rainbow brite(pag babae)
*lagi ka naka-sando na butas-butas
*natutulog kayo sa kulambo
*nanghuhuli ka ng tutubi
*mahilig ka sa gatas na nido, twins, at birch tree
*di mo inakala na si richard gutierrez yung bata sa gatas na twins
*akala mo taga alaska yung bata sa lata ng alaska
*kabisado mo themesong ng never ending story
*iniyakan mo yung pelikula na land before time
*pagbukas mo ng radyo, "green cross liniment, mainit-init at greaseless pa" ang nadidinig mo laging commercial
*adik ka sa mr.bogus, double dragon, ghost busters, carebears, garfield, thundercats, super mario bros. super show, denver, voltes v, daimos, he-man, she-ra at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog.
*crush ng yaya mo si shaider at michael joe.
*idol mo si ultimate warrior..
*at hulk hogan..
*and dont forget macho man...
*at ang commercial lagi ng wrestling noon ay yung "say no to drugs", "dont try this at home", at yung "encarnacion bechaves"...
*lagi mo sinasabi sa kaaway mo na kamukha niya si fuma-leyar..
*adik ka sa teks. kinokolekta mo noon ay mga cards ni ultraman, superman, spiderman, batman, at ultraman..
*tinutupi mo muna yung card mo na pamato para may pektus ito..
*imbes na cartridge, bala ang tawag mo sa mga games ng family computer at atari
*Nakahawak ka ng 5.25 na floppy disk
*wala ka pakialam kung makahawak ka man ng 5.25 na disk dahil mas gusto mo bala ng family computer..
*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...
*kumakain ka ng mimi crunchy noodles
*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa autograph/slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng crush mo
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? eh si luning-ning at luging-ging?
*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant(shigi shigi)
*idol mo si McGyver
*nanonood ka ng baywatch kasi madami nka-swimsuit
*analog telepono nyo
*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga
*cute din si lady lee
*pati na din si billy joe
*alam mo ang song na "eh kasi bata"
*akala mo themesong ng zest-o yung "livin' on a prayer"
*akala mo babae si cedie
*inakala mo din na bading si cedie
*akala mo shota ni cedie si princess sarah
*napansin mo na pareho boses ni eugene at masked rider black
*napansin mo din na pareho ang boses ni alfred at jiban
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo
*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory
*na LSS ka sa themesong ng nano-nano
*natatakot ka pag natatalo si shaider ng halimaw...
*same with ultraman..
*at magmaman na din...
*lagi mo naiimagine na kamukha ng kalaban ni ultraman ang kaaway mo..
*ganun din sa yaya mo pag nagsusungit...
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego...
*at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures!
*mahilig ka sa flat-tops na buhok dahil kay guile
*jumbohala pa ang dos na barya noon
*ganun din ang piso
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na
square?
*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin...
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka
*lagi ka din nilalagyan ng pulbo sa likod bago maglaro
*takot ka sa tiyanak, tikbalang, aswang, duwende, at manananggal
*takot ka sa yaya mo dahil pag matigas daw ulo mo, ilalagay ka sa sako at ibebenta ka daw sa bumbay..
*bumibili ka ng bazooka bubble gum dahil sa komiks na nakaipit dito
*adik ka sa funny komiks
*pati na din sa bata-batuta komiks
*gusto mo maging si gohan pag bilog ang buwan
*kabisado mo themesong ng dragonball z
*sanay ka tawagin ang porn as BOLD
*madami ka game & watch
*di mo alam ibig sabihin nung condom commercial...
*pati na din yung sanitary napkin..
*hate mo lasa ng sarsi kasi coke drinker ka
*naging pepsi drinker ka bigla nung lumabas yung commercial ni MC hammer
*trip na trip mo yung jean commercial featuring mr. boombastic
*idol mo ace of base
*at alam mo sayawin yung i saw the sign..
*pati na din yung its a byutipul life...
*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo
magdadagdag pa ako....