Ako si brian *bow*:

"Pag hindi makatulog, magbilang ng talon ng tupa. 1, 2, 3, 4... zzzz.."


"pustahan, lalo kayo magbabasa dito dhil sa babala na yan dba? hehe"

MUST-READ POSTS:



As usual:



"wag na sana lamunin ng spam"

<< October 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31

Mga bumisita mula noong ika-apat na araw ng Oktubre, taong dalawang libo't pito:




sana forever young tayo mga tsong at tsang!

"rak on!"


"Eclipse never did break up, and circumstances simply led to the band members going in different paths. However, they always left the door open that if ever the opportunity arose that we could get some work together, then sure why not?"



Ikaw ay nagbabasa ng blog ni brian. astig ka!



click here to go the homepage



rss feed



Friday, October 05, 2007
asan na ang tsinelas koooooohhhh!!!!???

Naalala ko lang bigla yung kakaibang concept ko for an anime noon.  Matagal na yun pero bigla na lang nag pop up sa utak ko kagabi.  eto po yun:

Di ba noong unang panahon (2nd year college ata yun)  nauso yung mga lets go!(mini 4wd), beyblade (trumpo),  super yo-yo (yo-yo),  yu-gi-oh(baraha) at iba pang anime na may palabas na, may laruan pa, at minsan may pa-tournament pa sa malls.  So, isang araw, nagkalight-bulb moment ako, what if kung gawa din ako ng sarili kong anime na di lang panonoorin ng mga bata kundi bibilhin din nila at paglalaruan, plus, lalo akong yayaman dahil magbebenta din ako ng "ultraelectromagnetic enhanced accesories".   So, ang naisip ko, since pinoy tayo, ay isang anime na magpopokus sa malupit na sport ng tumbang-preso.  Ang naisip ko na titulo ay "Battle Spartan" (obvious na ang dahilan) a.k.a  "War of the tsinelas".  Astig di ba?  So ang istoryo nito ay iikot sa bata na hanggang ngayon ay di ko pa napapangalanan.  Itong bata na to ay may tsinelas na ang pangalan ay di ko pa alam, pero tawagin nalang nating, hmmmm..  ahhh..  "Shadow Striker".  So, yung bata, SIge na nga, tawagin nalang natin siyang Umberto, ay iikot sa buong universe upang kalabanin ang mga tumbang preso adiks.  Ang goal nya sa buhay, tulad nung mga anime na nabanggit ko kanina, eh, is to make friends, win  tournaments, reach insane levels, at syempre, makasali sa prestidyus tournament na "King of the TumbangPpreso Mega-galactic-tournament" at syempre manalo. 

Astig diba?  plus, siguradong patok sa mga kabataan to dahil di lang nila ito mapapanood or mababasa, mabibili pa nila ang mga laruan kaya pede sila mag make-believe na part sila nung anime!  Example, sa Beyblade, sila nagbebenta ng mga magagarang trumpo, edi yung akin, ibebenta eh magagarang tsinelas!  Sa Beyblade pede i-modify yung trumpo, sa tsinelas ganun din!  oks di ba?  dual purpose pa dahil ang beyblade, pure na laruan lng, ang tsinelas, laruan na footwear pa! 

Eto pa isa, sa dami ng design at modfications na pede mo gawin sa tsinelas, endless possibility ng malulupit na combinations.  Just imagine this scenario:

Bata 1: *naglalakad suot ang kanyang "Demon Slayer" tsinelas*  Laban kayo!?

Bata 2:  Wala yan!!!  Taob yan sa "Fallen Angel" tsinelas ko!  Aba, binilhan kaya ako ni inang ng "Mega-hurtz turbo spinner attachment" para magawa ko yung "The Tasmanian Devil attack"!!

Bata 1: Eh yung akin merong "Molecular degenerator attachment"!!!  Isang tira lng, pulbos ang mababangga!

Bata 3: Magtalo kayo hanggang gusto nyo!  Basta ako, pinaka-malupit "Dark Necro" ko!  Aba, eto ata yung gamit nung tumalo kay Umberto nung episode 69!  Saka, *points sa tsinelas ni Bata 1 and 2* Weh!!  Recto lang yung sa inyo!  akin orig, tignan nyo logo oh, Audley!  sa inyo Tamiya lang!!!  WAHAHAHAHAHAHA!

As you noticed, di lang sila mag eenjoy sa paglalaro, madadagdagan pa ang socializing skills ng mga kabataan,  di na sila magiging mahiyain, magiging friendly na sila at lalaki na circle of friendships nila.

Ayun, share ko lang po sa inyo itong konsepto ko na ito.  Sige, hanggang sa muli!




 



Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry