Ako si brian *bow*:

"Pag hindi makatulog, magbilang ng talon ng tupa. 1, 2, 3, 4... zzzz.."


"pustahan, lalo kayo magbabasa dito dhil sa babala na yan dba? hehe"

MUST-READ POSTS:



As usual:



"wag na sana lamunin ng spam"

<< October 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31

Mga bumisita mula noong ika-apat na araw ng Oktubre, taong dalawang libo't pito:




sana forever young tayo mga tsong at tsang!

"rak on!"


"Eclipse never did break up, and circumstances simply led to the band members going in different paths. However, they always left the door open that if ever the opportunity arose that we could get some work together, then sure why not?"



Ikaw ay nagbabasa ng blog ni brian. astig ka!



click here to go the homepage



rss feed



Friday, October 12, 2007
(part 3) naaalala ko pa... ikaw?

Kababata ka ba ni Brian?  Kung "oo" ang sagot mo, Dapat alam mo ang mga ito:

*nasa karton pa yung chickenjoy

*yung jollibee champ, nasa styro pa

*Mahilig ka sa Flintstones Vitamins.

*nirerecord mo ang mga themesong ng anime sa cassette via mic na tinatapat sa speaker ng tv.

*minsan, full episodes nirerecord mo.

*alam mo yung kanta na "caronia, huh-HAH!".

*alam mo din yung dance step nito dahil lagi mo itong napapanood sa tropang trumpo.

*madalas ka magsabi ng "chicken!".

*natuwa ka nung nagsimula yung ABC 5 noong 1992 dahil marami cartoons dun.

*galit ka sa capcom dahil kailangan pa i-charge yung back para makapag sonic boom, psycho crusher, rolling attack, etc.

*"Flaming Torpedo" pa ang tawag mo sa "Psycho Crusher".

*akala mo dinosaur yung "thesaurus".

*mas uso pa oven toaster noon kesa sa microwave.

*akala mo nga ang oven toaster at microwave ay iisa.

*Isa ka sa mga nag-akala na si Goten ay anak ni Gohan.

*At akala mo tao ang mga Androids dahil hindi mo pa alam meaning ng Android.

*Akala mo ibang magka-ibang character si Goku at Super Saiyan Goku dahil magkaiba sila ng buhok.

*Same with the other Saiyans.

*ayaw mo maglaro sa pc dahil akala mo puro "educational games" ang nanduon. 

*fave channels mo ay 13, 9, at 5 dahil nandun halos lahat ang mga cartoons.

*meron pa "million dollar movies" noon pag sunday sa ABS-CBN.

*Matino pa palabas sa mga UHF channels noon

*Sikat ka pag nakakakuha ng UHF channels ang tv nyo.

*Super laki na ng TV ninyo pag 23" ito.

*Sa appliances noon, the bigger, the better.

*akala mo tatangkad ka dahil sa Star Margarine.

*Akala mo gagaling ka sa sports dahil sa Milo.

*Ganun din ang akala mo sa Ovaltine.

*Lagi mo nakikita yung ad ng Pagoda Beauty Soap.

*asar ka sa mortal kombat dahil kakaiba yung method ng pag-block.

*pero nagustuhan mo yung "uppercut concept" nun.

*saka yung "finisher"

*uso noon ang DWKC at KOOL 106.

*Buhay pa si Ernie Baron.

*nagisip ka ng todo para lang makagawa ng tanong na alam mo na hindi niya masasagot.

*nahilig ka sa baseball dahil sa Battle Ball.

*Nangolekta ka nung Ovaltine cards na puro robot ang naka-drawing.

*may game yung cards na yun.  di mo alam laruin pero ok lang.  Kinokolekta mo yun dahil manghang-mangha ka sa robot na naka drawing.

*nauso din yung pekeng marvel cards.

*adik mga yaya mo sa mara clara.

*yung likod ng notebook mo nung elem ay may multiplication table na hindi mo nman alam gamitin.

*"the rainbow network" ang tawag sa GMA 7 nun.

*"the big leap" naman yung ABC 5.

*puro laruan ang commercial pag pambata ang palabas.

*Meron ka collection ng pang tantsing. (1" tall na plastic figurines)

*yung pamato mo sa tantsing, nilalagyan mo ng bakal like nuts, bolts, screws, susi, batirya, etc. para bumigat.

*pag may di mapagkasunduan, dinadaan nyo ito sa bato, bato, pik!

*isa pang version nun ay yung jak en poy, hari hari hoy, sino matalo siyang unggoy!

*binubuhusan mo ng tinta ang sanitary napkin dahil ginagaya mo yung commercial.

*mahilig ka sa monterey chicken nuggets.

*uso noon yung golden crown butter compound.

*yung magazine noon ay halos doble ng size ng mga magazine ngayon.

*hindi pa glossy ang papel ng mga magazine noon.

*ang cellphone ay kasing laki pa ng brick.

*mahilig ka sa knick-knacks.

*mahilig ka din siyempre sa yan yan

Link to part 2




 



Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry