Ako si brian *bow*:

"Pag hindi makatulog, magbilang ng talon ng tupa. 1, 2, 3, 4... zzzz.."


"pustahan, lalo kayo magbabasa dito dhil sa babala na yan dba? hehe"

MUST-READ POSTS:



As usual:



"wag na sana lamunin ng spam"

<< January 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31

Mga bumisita mula noong ika-apat na araw ng Oktubre, taong dalawang libo't pito:




sana forever young tayo mga tsong at tsang!

"rak on!"


"Eclipse never did break up, and circumstances simply led to the band members going in different paths. However, they always left the door open that if ever the opportunity arose that we could get some work together, then sure why not?"



Ikaw ay nagbabasa ng blog ni brian. astig ka!



click here to go the homepage



rss feed



Sunday, January 13, 2008
Fuck

Usapang fucK:

The album's title came from lead singer Sammy Hagar, who wanted to push the issue of censorship with naming Van Halen's album with a vulgarity, saying "That's when censorship was a big issue. I wanted to name the album just Fuck."  Hagar eventually backed away from the outright vulgarity after he was (mis)informed by his friend, former world lightweight boxing champion Ray "Boom Boom" Mancini, that the word "fuck" was an (b)acronym for the phrase "For unlawful carnal knowledge."

Wednesday, November 28, 2007
And there it is...

Once again, the company sent me out for a NYC adventure.  This time, I stumbled upon 53rd and 3rd.  Yes, the place featured in the Ramones hit of the same name.  It used to be the hotspot of male prostituion in NYC.  The site was cleared to make way for one of Manhattan's most famous skyscrapers, the Citigroup Center.

Here is a pic.  Sorry, my cp cam sux.


Sunday, November 25, 2007
Inuumaga

Hai buhay. Bat ganun?  Ang bilis ng oras pag nag-te-tekken?

Saturday, November 17, 2007
pnaglapitlapit ng tadhana?

Nagsimula ang lahat nung ako ay prep sa CEU.  Classmates ko noon si
Dareen, Jessica at Margot. Si Margot di ko napapansin noon dahil malayo
upuan niya. Si Jessica katabi ko at ka-daldalan ko pero di ko din
napapansin dahil si Dareen, na katabi ko din, ang ultimate crush ko at that
time.

Hindi gaanong masaya ang aking panahon dito dahil dun sa kaklase ko na
jerbaks ng jerbaks sa upuan, ang baho eh, nangangamoy. Ako din ang
pinaka tamad at pinaka mabagal magsulat kaya parusa talaga itong panahon
na ito.

Nung matapos ang prep, ako ay lumipat na ng school at sila ay
nagpatuloy na sa CEU gradeschool. Dun nakasama ni Margot, Jessica at Dareen si
Bedo. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila nun.

Nung HS, Nakita ko uli si Margot na hindi ko na natatandaan na kaklase
ko pala sa prep noon. Kay Margot ko nalaman na magka-klase pala kami
noon. Dito ko din nakita si Bedo na hindi ko man naging ka-klase nung
prep eh classmate pala ni Margot nung gradeschool. FYI, si Bedo ang
gitarista ng aming banda at siyang nag introduce sa akin sa metal na
tugtugan.

College na, balik CEU ako. May kaklase ako na tinanong kung sa CEU daw
ba ako nag-prep. Nung sinabi ko na oo, sabi niya, pakiramdam niya eh
magka-klase kami noon. Itong kaklase ko na ito ay si Dareen na crush
ko noong prep. Kaso ngayong college, hindi ko na siya crush.

Si Bedo, lumipat naman sa PUP, dun naman niya nakita si Jessica na
naging kaklase ko naman nung prep at kaklase niya nung gradeschool.

Ngayon, kahit magkakalayo na kami, may communication parin kami sa
isat-isa. Salamat sa friendster at yahu.

Kakaiba talaga ang tadhana diba? Gaya nga ng sabi sa kanta, "It's a
small world".



Sunday, November 11, 2007
killer wrestling moves!

Tagal ko na nakita ang wrestling move na ito pero, eto, nakita ko na yung pinaka da-best na execution!   Hai, ang ganda talaga...  Eto yung youtube link:

The Canadian Destroyer

Eto, brutal na double team:


Eto naman ang pnaka brutal na nakita ko:


Nga pala, natuwa ako dun sa latest episode ng WWE smackdown, si Undertaker nag Sankaku Jime! (Triangle Choke)  hehehe, Judo Boy na din si Undertaker.  Pangit ang execution pero ok naman. 



Sunday, November 04, 2007
bajo

Eto, ok naman progress, natutuwa lang ako at nkakasabay na ako sa Animetal.  Eto na siguro yung phase kung saan ay nag level up na ako.  Tagal ko din stagnant.  I always play pero ung "contructive playing",  tagal ko na di nagagawa yun. 

Ang sinasabayan ko ay yung "Pegasus Fantasy" at "Mazinger Z".  Brutal sa speed pero nkakayanan ko naman.  Siyempre nung una mahirap (wala tab ha) pero once nakuha ko na, ayun, todo improvise na.  Ok nga dahil nowadays nagagamit ko na ring finger ko sa picking hand. 

Also, iniba ko setup nung thunderbird ko kanina, mahirap syempre dahil ang dami kelangan i-adjust like pickup height, action, intonation, at ang brutal na truss rod.  Now, ang setup nya ay low action na.  Medyo may konti pa string buzz pero matatanggal din yun once na nag settle na yung wood.  Kaka-adjust ko lang kasi ng truss rod.

Friday, November 02, 2007
pegasus fantasy

Nung bata pa ako, meron ako laruan, action figure siya na may malupit na armor.  Angas nga kasi ang daming articulation points kaya madami poses.  Yung armor nya, ganda din. Since di ako maingat sa laruan, wala na sa akin yun.  Pinasabog ko ata via kwitis nung New Year.  A year ago ko lang nalaman na Saint Seiya pala yun.  Kaso, di gaano nagkaron ng impact sa akin yung fact na yun kaya nung pinalabas ito sa GMa, hindi ko din ito nasubaybayan. Actually, nakapanood ako ng isang episode, di pa buo, hinihintay ko lang kasi na matapos dahil susunod na si Ippo ata or Dragonball Z.  Di ko na matandaan

Siguro isang factor na din kung bakit di ko ito nasubaybayan ay dahil
 parusa ang aking sched sa college at dahil sa stress na dulot ng
 college, medyo nawala interest ko sa anime nun.  "Banda dito banda doon" kasi
 ang aking stress buster noon.  Eh mga kabanda ko sa CEU di naman
 mahilig sa anime or jrock/jpop songs. Pwera na lang siguro yung
 "chala-head-chala" na tinugtog namin ng live nung AMT kita-kitz '07.  Actually di pa
 nila alam na yun title nun, ang alam nila "Dragonball".  Kung di ko pa
 nkilala sila Antenor at ang iba ko pang malilibog na kaibigan na
 mahilig sa videogames, hentai, at anime, nawala na siguro ng tuluyan ang
 anime sa aking mundo.  

Anyway, balik sa Saint Seiya. Nung nagkaron ako ng album ng Animetal na
 "Decade of Bravehearts", isa sa mga kanta dun ay yung "Pegasus
 Fantasy".  Brutal talaga!  Ang ganda!  Ni-research ko at nalaman ko na galing
 pala ito sa Saint Seiya. Siyempre, imbes na yung anime ang maalala ko,
 yung laruan ko ang naalala ko.  Pero siyempre naalala ko din yung
 anime. For a few days lagi ko ito pinapatugtog hanggang sa medyo natabunan
 na ito sa playlist.

Kagabi, naghahagilap ako ng anime songs at nakita ko ito uli.  Since
 gasgas na yung version na ito sa mp3 player ko, minarapat ko na kunin
 yung orig version.  Nung ma-DL ko na, lupit!  Ang ganda pala nung orig!
  Bwakangina, kung nadinig ko ito siguro, baka sinubaybayan ko yun
 noon!(madali ako ma-attract sa anime na maganda themesong)  Habang
 pinakikinggan ko, naramdaman ko na uli yung naramdaman ko nung una ko mapanood yung DNA2 at madinig ang "Blurry Eyes", yung feeling na "Shet!  Dapat
 mapanood ko to, or atleast ma-research ko yung storya sa internet!  At
 kelangan matugtog ko din itong themesong niya!!!" So, after ko ma-DL ito,
 paulit-ulit na ito sa mp3 player ko.  Kahit nung ako ay naglaglag ng bomba sa inodoro ay ito ang pinakikinggan ko.  Kaninang umaga, pinakikinggan ko ang ibat-ibang kanta sa mp3 player ko, pero nung matapat na ako sa "Pegasus Fantasy", wala na, naka-set na sa "repeat" yung mp3 player ko at gumala na ang imahinasyon ko na tinutugtog namin ito sa banda, syempre, yung USTHS band ko na.  At sa eksenang iyon, hindi ako ang kumakanta, hindi pwede, kelangan tumalon ako, magh-hedbang, at kung ano pang maisip na exhibition habang tinutugtog ito.

Mamaya ako ay uuwi sa aking bahay, hahaplusin ang aking thunderbird
 bass at pag-aaralan ang kanta na ito.  Kung di lang maliit ang kwarto ko
 at kung hindi lang gawa sa kahoy ang bahay namin at kung di lang
 reklamador ang kapitbahay namin, alam nyo na ang pede ko gawin...  Kung pwede
 lang...

Thursday, October 25, 2007
Subaru 360

Maliit kaya di problema parking space and It has a 2-stroke 356cc engine (similar to a motorcycle) that means:

This thing <> High gas consumption


Paint job = PWNAGE

Tuesday, October 23, 2007
mahirap pag maraming alam

Naaalala ko, yung 1st bass ko, yung Yamaha RBX clone ko na si Violette, on the spot ko binili yun eh.  What made me decide na bilhin siya? Una, kasi kakaiba shape, pangalawa, kakaiba kulay, pangatlo, mura. 

Gandang-ganda ako dun.  Wala ako makitang mali sa kanya.  Sarap na sarap ang daliri ko pag tinutugtog sya.  Pero, Nung malaman ko na wala pala siyang Truss rod, na yung neck pala ay mala-baseball bat, yung action pala ay kasing taas ng Mt. Everest, na sablay yung pots, na yung body pala ay gawa ata sa paper mache, unti-unti ko naramdaman ang flaws nya..  Siya na bini-blame ko nun kung bakit ayaw bumilis ng daliri ko, sabi ko sa sarili ko, mas gagaling ako kung mas maganda bass ko!  Alam ko, psychological lang yun eh, pero can't help it. 

Kung di ko nalaman yung infos na yun, siguro now, kahit anong bass ma e-enjoy ko.  Now, pag tatambay ako sa guitar store, madalas na ako madismaya pag nalalaman ko na mga tunog lata pala yung basses na 6 hours ko kung titigan sa internet!  Eh siguro kung di ko alam yun, enjoy na enjoy na ako sa pagtugtog kahit tunog lata yung bass!(at di ko mapapansin yun kung di ko naman alam ang tunog ng magandang bass) 

Di naman ako ganito ka-pihikan dati eh!!!  Dati di ko napapansin ang tone color eh!! Nagunaw mundo ko mula ng malaman ko ang specs at tunog ng mga high-end basses!!!  BAKIT KASI MAANGAS ANG ITSURA NG MGA BULOK NA BASS?! Sabi nga nila, pag bumili ka ng Beast bass, binibili mo eh yung itsura at hindi yung tone at playability...  Kung ano pa yung mukhang mga generic like Sadowsky, Lakland, at *ahem* Fender, yun pa ang magaganda ang specs... 

NAGING PIHIKAN AKO!!!  NAGING MAPILI NA AKO!!!! SYET!!!! *untog ulo sa desk*  WAAAAAHHHH!!!!  NOW KAHIT GUSTO KO YUNG BASS, PARANG AYAW KO NA PAG MEDIOCRE YUNG PARTS AT SPECS!!!  WAAAAHHHH!!!! LAHAT ITO AY PSYCHOLOGICAL LANG!!! PERO, DI KO MAPIGILAN!!!! OH, THE PAIN!!! THE PAIN!!! 

*hinga ng malalim*

Alam nyo, ok yung marami kang nalalaman eh, yung tipong para kang walking wikipedia.org.  Ok kasi madami ka pede i-kwento,  madami ka matutulungan, at most of the time, makakarelate ka sa mga kwentuhan...  Kaso, ang problema lang sa isang tao na adik mag research(tulad ko) ay yung pag madami ka nang alam, restricted na masyado ang choices mo...  Examples: 


  1. Dati akala ko "The bigger the amp, The better!"..  Hindi pala ganun yun!  Marami pang factors tulad ng impedence, speaker configurations, speaker type, wattage, kung may xlr outputs ba, kung may rca inputs ba, kung mag ma-match yung impedence ng head sa cabs, kung valve or solid-state, waaaahhhh!!!  Complicated!!

  2. Madali lang mamili ng bass noon.  Pinagbabasehan ko kasi yung looks.. Akala ko kasi, pare-pareho lang sila na natutugtog at tumutunog, iba-iba lang ang itsura. Hindi pala ganun yun.  Now na marami na ako alam, ang hirap na!  Pag bibili, kelangan mag-decide kung gusto ko ba eh passive or active pickups, kung bolt-on, neck-thru, or set-in ung neck, kung solid or hollow yung body, kung ano yung tonewood, kung ano klase bridge nya, kung single or dual truss rods, kung medium or jumbo frets, etc.  Shet, dami pa dapat i-consider!!!  

Ang totoong advantage lang ng taong pumipili ng bass based sa tone at playability eh magbebenefit mga katugtugan nya!  Syempre dahil ok tunog nya.  Pero, madalas wala naman "attitude" yung hawak nya na instrumento, dahil madalas nga, mukhang generic na ito dahil since yun ang madalas na ginagamit ng mga sikat dahil maganda nga, nakakasawa na tignan.

Ako, eto, nakapili na ako ng bass na para sa akin talaga, yung Thunderbird...  Astig na itsura, astig na tunog..

Ilang buwan din ako nag-decide bago bilhin yun...  Perfect na para sa akin yun... Kung masira man ito or lamunin man ng anay, Thunderbird uli ang bibilhin ko... It's a rarity, odd-shaped bass na malupit ang tone!


Sunday, October 21, 2007
Matured na ako?

While Im testing the Thunderbird (minutes bago ko ito tuluyang binili) A latino guy who looks like Carlos Santana approached me and said that my bass technique is really good. He also asked me if the song (It's the My Friend of Misery bass solo) that I was playing was an original composition because, if it was mine, it's really impressive.  Syempre, nag pasalamat ako sa papuri na binigay niya, saka sinabi ko din sa Metallica yung song.  Tuloy lang ako sa pagtugtog tapos, after a few bass runs, he asked if I understand music theory and if I took lessons.  I said, yes, in a way I do understand theory but I don't have any formal training.  I am a self taught player and I just love to play.  After a few more questions (and after asking me to play some other bass stuffs) he asked me, "Do you want to be in a Hard Rock band?"  I was like, "Err...   Im a full-time worker, I sleep at 10, wakes up at 5, blah blah blah".  The guy was persuassive!  He was like, "I know a lot of people in the business man, cmon, you have a good technique, you can improvise, you can play anything man.  My drummer is over ther *points sa drum section*  he's really good.  We need you in the group man, our bassist is garbage" He goes on and on and on...  He's really convincing me to join the band.

What happened?  I bought the bass...  I turned down the offer...

Is it dahil mas gusto ko ung siguradong income, yung may sasahurin ako every 15 days kaysa yung sa tipong pag may gig, meron, pag wala, edi wala?  Or sadyang na turn off ako dahil kamukha nga nya si Santana? 

Ang totoo, ayaw ko lang talaga.  Nanghinayang ako?  Nope, no regrets.  Alam nyo naman na gagawin ko lahat para makatugtog sa banda pero this time, I think for the first time, ginamit ko utak ko.  Chance na nga yun pero sa ngayon, masaya na ako sa Thunderbird ko saka mas masarap ang banda kahit jamming lang, kahit sintunado, basta kabarkada mo katugtugan mo.  Di ako sumasali sa banda para sa fame and fortune, ako, gusto ko lang masaya.  Next na yung fame, yung fortune, salamat kung meron, mas masarap para sa akin ang makadinig ng palakpak at sigaw kaysa sa abutan ng paycheck.  Rak on!

Next Page